Font Size
                  
                
              
            
Mga Awit 45:1-3
Ang Biblia, 2001
Mga Awit 45:1-3
Ang Biblia, 2001
Maskil para sa Maharlikang Kasalan
Sa Punong Mang-aawit. Isang Maskil ng mga Anak ni Kora. Awit tungkol sa Pag-ibig.
45 Ang aking puso ay nag-uumapaw sa mabuting paksa,
    ipinatutungkol ko ang aking mga salita sa hari;
    ang aking dila ay gaya ng panulat ng bihasang manunulat.
2 Ikaw ang pinakamaganda sa mga anak ng mga tao;
    ang biyaya ay ibinubuhos sa mga labi mo,
    kaya't pinagpala ka ng Diyos magpakailanman.
3 Ibigkis mo ang iyong tabak sa iyong hita, O makapangyarihan,
    sa iyong kaluwalhatian at kamahalan!
