Add parallel Print Page Options

Bawa't isa sa kanila ay (A)tumalikod: sila'y magkakasamang naging mahahalay;
Walang gumawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
Wala bang kaalaman ang mga manggagawa ng kasamaan?
(B)Na siyang kumakain ng aking bayan na tila kumakain ng tinapay,
At hindi nagsisitawag sa Dios.
Doo'y nangapasa malaking katakutan sila (C)na hindi kinaroroonan ng takot:
Sapagka't (D)pinangalat ng Dios ang mga (E)buto niya na humahantong laban sa iyo;
Iyong inilagay sila sa kahihiyan, sapagka't itinakuwil sila ng Dios.

Read full chapter