Font Size
Mga Awit 54:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Awit 54:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
3 Ang nagmamataas ay laban sa akin,
hangad ng malupit ang ako'y patayin,
kanilang nilimot na ang Diyos ay sundin. (Selah)[a]
4 Batid kong ang Diyos ang siyang tutulong,
tagapagsanggalang ko, aking Panginoon.
5 Ang hinahangad ko ay maparusahan sa gawang masama ang mga kaaway;
ang Diyos na matapat, sila'y wawakasan.
Footnotes
- 3 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.