Font Size
Mga Awit 66:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Awit 66:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Ang ginawa ng Diyos, lapit at pagmasdan,
ang kahanga-hangang ginawa sa tanan.
6 Naging(A) tuyong lupa kahit na karagatan,
mga ninuno nati'y doon dumaan;
doo'y naramdaman labis na kagalakan.
7 Makapangyarihang hari kailanman,
siya'y nagmamasid magpakailanman;
kaya huwag magtatangkang sa kanya'y lumaban. (Selah)[a]
Footnotes
- 7 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.