Font Size
Mga Awit 78:55-57
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Awit 78:55-57
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
55 Itinaboy(A) niyang lahat ang naroong namamayan,
pinaghati-hati niya ang lupaing naiwanan;
sa kanilang mga tolda ang Israel ay nanahan.
56 Ngunit(B) sila'y naghimagsik sa Kataas-taasang Diyos,
hindi nila iginalang ang kanyang mga utos;
57 katulad ng nuno nila sila'y kusang tumalikod,
nagtaksil na wari'y panang lumipad nang walang taros.