Font Size
                  
                
              
            
Mga Awit 9:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Awit 9:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7 Ngunit si Yahweh ay naghaharing walang putol,
    itinatag niya ang kanyang trono para sa paghahatol.
8 Pinapamahalaan niya ang daigdig ayon sa katuwiran,
    hinahatulan niya ang mga bansa ayon sa katarungan.
9 Si Yahweh ang takbuhan ng mga pinahihirapan,
    matibay na kanlungan sa oras ng kaguluhan.