Add parallel Print Page Options

(A)Si Moises at si Aaron sa gitna ng kaniyang mga saserdote, At si (B)Samuel sa kanila na nagsisitawag sa kaniyang pangalan;
Sila'y nagsisitawag sa Panginoon, at siya'y sumasagot sa kanila.
Siya'y nagsasalita sa kanila (C)sa haliging ulap:
Kanilang iniingatan ang kaniyang mga patotoo, at ang palatuntunan na ibinigay niya sa kanila.
Sumagot ka sa kanila, Oh Panginoon naming Dios;
(D)Ikaw ay Dios na nagpatawad sa kanila,
(E)Bagaman nanghiganti ka sa kanilang mga gawa.

Read full chapter