Font Size
Mga Bilang 11:15-17
Ang Biblia (1978)
Mga Bilang 11:15-17
Ang Biblia (1978)
15 At kung ako'y ginagawan mo ng ganito ay patayin mo na ako, (A)ipinamamanhik ko sa iyo, kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin; at (B)huwag ko nang makita ang aking kahirapan.
Pitongpung lalake sa mga matatanda ang kinatulong ni Moises.
16 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Pisanin mo sa akin ang (C)pitong pung lalake sa mga matanda sa Israel, sa iyong mga nalalaman na mga matanda sa bayan at mga (D)nangungulo sa kanila; at dalhin mo sa tabernakulo ng kapisanan, upang sila'y makatayo roon na kasama mo.
17 At (E)ako'y bababa at makikipag-usap sa iyo doon; at ako'y kukuha sa Espiritung sumasaiyo (F)at aking isasalin sa kanila; at kanilang dadalhin ang (G)pasan ng bayan na kasama mo, upang huwag mong dalhing magisa.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978