Mga Bilang 11:31-33
Ang Biblia (1978)
Ipinadala ang mga pugo na kasama ang salot.
31 (A)At lumabas ang isang hanging galing sa Panginoon, at nagdala ng mga pugo na mula sa dagat, at pinalapag sa kampamento na may isang araw lakarin sa dakong ito, at isang araw lakarin sa kabilang dako sa palibot ng kampamento, at nagsilipad na may dalawang siko ang taas sa balat ng lupa.
32 At ang bayan ay nangakatindig ng buong araw na yaon at ng buong gabi, at ng buong ikalawang araw, at nagsipanghuli ng mga pugo; yaong kaunti ang napisan ay nakapisan ng sangpung (B)homer: at kanilang ikinalat para sa kanila sa buong palibot ng kampamento.
33 (C)Samantalang ang karne ay nasa kanilang mga ngipin pa, na hindi pa nila nangunguya ay nagningas laban sa bayan ang galit ng Panginoon at sinaktan ng Panginoon ang bayan ng isang salot na di kawasa.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978