Font Size
Mga Bilang 11:32-34
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Bilang 11:32-34
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
32 Lumabas ng kampo ang mga Israelita at nanghuli ng pugo hanggang kinabukasan; ang pinakakaunting nahuli ng isang tao ay aabot sa sampung malalaking sisidlan.[a] Ang mga ito'y ibinilad nila sa paligid ng kampo. 33 Ngunit bago pa lamang nila ito kinakagat, ibinuhos na ni Yahweh ang kanyang galit sa mga Israelita at siya'y nagpadala ng isang kakila-kilabot na salot. 34 Ang lugar na iyon ay tinawag na Kibrot-hataava sapagkat doon nalibing ang mga taong naging hayok sa karne.
Read full chapterFootnotes
- 32 MALALAKING SISIDLAN: Ang mga sisidlang ito ay maaaring maglaman ng timbang na halos 220 litro.