Font Size
Mga Bilang 16:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Bilang 16:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 May kasama pa silang 250 katao na pawang kilala sa bayan at mga pinuno ng kapulungan. 3 Hinarap nila sina Moises at Aaron at sinabi, “Sobra na 'yang ginagawa ninyo! Lahat ng nasa kapulungang ito ay nakalaan kay Yahweh at siya ay nasa kalagitnaan natin! Bakit itinataas ninyo ang inyong sarili higit pa sa kapulungang ito?”
4 Nang marinig ito ni Moises, nagpatirapa siya sa lupa.
Read full chapter