Add parallel Print Page Options

46 At sinabi ni Moises kay Aaron, Kunin mo ang iyong suuban, at lagyan mo ng apoy mula sa dambana at patungan ng kamangyan, at dalhin mong madali sa kapisanan, at itubos mo sa kanila: (A)sapagka't may galit na lumabas sa harap ng Panginoon; ang salot ay nagpapasimula na.

47 At kinuha ni Aaron gaya ng sinalita ni Moises, at siya'y tumakbo sa gitna ng kapulungan; at, narito, ang salot ay nagpasimula sa gitna ng bayan; at siya'y naglagay ng kamangyan at itinubos sa bayan.

48 At siya'y tumayo sa gitna ng mga patay at ng mga buhay; at ang salot ay (B)tumigil.

Read full chapter