Font Size
Mga Bilang 16:46-48
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Bilang 16:46-48
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
46 Sinabi ni Moises kay Aaron, “Magsunog ka ng insenso sa lalagyan nito. Dalhin mo agad ito sa kapulungan at ihingi mo sila ng tawad kay Yahweh sapagkat kumakalat na ang salot dahil sa kanyang poot.” 47 Sinunod nga ni Aaron ang sinabi ni Moises at patakbo siyang nagtungo sa gitna ng kapulungan. Pagdating niya roon ay marami nang patay. Nagsunog siya agad ng insenso at inihingi ng tawad ang sambayanan. 48 At siya'y tumayo sa pagitan ng mga patay at buháy; at tumigil ang salot.
Read full chapter