Font Size
Mga Bilang 18:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Bilang 18:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
3 Subalit hindi sila lalapit sa altar o sa alinmang sagradong kasangkapan sa loob ng santuwaryo. Kapag lumapit sila, kayong lahat ay mamamatay. 4 Liban sa kanila ay wala kayong ibang makakatulong sa anumang gawain sa Toldang Tipanan, at wala ring dapat lumapit sa inyo roon. 5 Ikaw lamang at ang iyong mga anak na lalaki ang gaganap sa mga tungkulin sa Toldang Tipanan at sa altar upang hindi ako muling magalit sa sambayanang Israel.
Read full chapter