Add parallel Print Page Options

Ang Edom ay tumanggi sa pagdaan ng Israel.

14 (A)At si Moises ay nagutos ng mga sugo sa (B)hari sa Edom mula sa Cades, na ipinasabi, (C)Ganito, ang sabi ng iyong kapatid na Israelita, Talastas mo ang buong kahirapan na dumating sa amin:

15 (D)Kung paanong ang aming mga magulang ay bumaba sa Egipto, at kami ay (E)tumahan sa Egipto na malaong panahon, (F)at inalipusta ng mga Egipcio kami at ang aming mga magulang:

16 (G)At nang kami ay dumaing sa Panginoon ay dininig niya ang aming tinig, at (H)nagsugo siya ng isang anghel, at inilabas kami sa Egipto: at, narito, kami ay nasa Cades, na isang bayan na nasa dulo ng iyong hangganan:

Read full chapter