Add parallel Print Page Options

26 Sapagkat ang Hesbon ay siyang bayan ni Sihon na hari ng mga Amoreo, na siyang nakipaglaban sa unang hari sa Moab, at sumakop ng buong lupain niyon sa kanyang kamay hanggang sa Arnon.

27 Kaya't ang mga nagsasalita ng mga kawikaan ay nagsasabi,

“Halina kayo sa Hesbon,
    itayo at itatag ang lunsod ni Sihon.
28 Sapagkat(A) may isang apoy na lumabas sa Hesbon,
    isang liyab mula sa bayan ni Sihon.
Tinupok nito ang Ar ng Moab,
    at winasak[a] ang matataas na dako ng Arnon.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Bilang 21:28 Sa ibang mga kasulatan ay ang mga panginoon .