Add parallel Print Page Options

17 Sapagka't ikaw ay aking papupurihan ng mga dakilang karangalan, at anomang sabihin mo sa akin ay gagawin ko: parito ka nga, isinasamo ko sa iyo, na sumpain mo sa akin ang bayang ito.

18 At si Balaam ay sumagot at nagsabi sa mga lingkod ni Balac, (A)Kahit ibigay sa akin ni Balac ang kaniyang bahay na puno ng pilak at ginto, ay (B)hindi ko masasalangsang ang salita ng Panginoon kong Dios, na ako'y gumawa ng kulang o higit.

19 Ngayon nga, isinasamo ko sa inyo, na (C)tumuloy rin kayo rito ngayong gabi, upang aking maalaman kung ano ang sasalitain pa ng Panginoon sa akin.

Read full chapter