Add parallel Print Page Options

20 (A)At ang Dios ay naparoon kay Balaam nang kinagabihan, at nagsabi sa kaniya, Kung ang mga taong iyan ay nagsiparito, upang tawagin ka ay bumangon ka, sumama ka sa kanila: (B)nguni't ang salita lamang na aking sasalitain sa iyo, ay siya mong gagawin.

Si Balaam at ang asno ay sinalubong ng anghel ng Panginoon.

21 At si Balaam ay bumangon nang kinaumagahan, at siniyahan ang kaniyang (C)asno, at sumama sa mga prinsipe sa Moab.

22 At ang galit ng Dios ay nagningas sapagka't siya'y naparoon: (D)at ang anghel ng Panginoon ay lumagay sa daan na pinaka kalaban niya. Siya nga'y nakasakay sa kaniyang asno at ang kaniyang dalawang alipin ay kasama niya.

Read full chapter