Font Size
Mga Bilang 26:62-64
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Bilang 26:62-64
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
62 Lahat-lahat, ang natala sa lipi ni Levi ay 23,000, mula sa gulang na isang buwan pataas. Sila'y hindi kabilang sa talaan ng Israel sapagkat hindi sila kasama sa paghahati ng lupain.
Sina Caleb at Josue Lamang ang Natira
63 Ito ang mga Israelitang binilang at inilista ni Moises at ng paring si Eleazar sa kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, sa may tapat ng Jerico. 64 Dito'y walang kasama isa man sa mga Israelitang itinala nina Moises at Aaron noong sila'y nasa Bundok ng Sinai.
Read full chapter