Font Size
Mga Bilang 28:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Bilang 28:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7 Samahan ninyo ito ng isang litrong handog na inumin na inyong ibubuhos sa Dakong Banal para sa akin. 8 Ang isa pang tupa ay ihahandog nga sa hapon at sasamahan din ng handog na pagkaing butil at handog na inumin, tulad ng handog sa umaga, upang ang usok nito'y maging mabangong samyo para sa akin.
Ang Handog Tuwing Araw ng Pamamahinga
9 “Tuwing Araw ng Pamamahinga, dalawang lalaking tupang tig-iisang taóng gulang at walang kapintasan ang inyong ihahandog. Sasamahan din ito ng handog na pagkaing butil at handog na inumin. Ang handog na pagkaing butil ay isang salop na harina at minasa sa langis ng olibo.
Read full chapter