Font Size
Mga Bilang 29:12-14
Ang Biblia, 2001
Mga Bilang 29:12-14
Ang Biblia, 2001
Mga Handog sa Pista ng mga Kubol(A)
12 Sa(B) ikalabinlimang araw ng ikapitong buwan ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagtitipon; huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na gawain at mangingilin kayo sa loob ng pitong araw para sa Panginoon.
13 Maghahandog kayo ng isang handog na sinusunog, handog na pinaraan sa apoy na mabangong samyo para sa Panginoon: labintatlong batang toro, dalawang tupang lalaki, labing-apat na korderong lalaki na isang taong gulang, na mga walang kapintasan.
14 Ang handog na butil ng mga iyon, na piling harina na hinaluan ng langis ay tatlong ikasampung bahagi ng efa para sa bawat toro sa labintatlong toro, dalawang ikasampung bahagi sa bawat lalaking tupa para sa dalawang lalaking tupa,
Read full chapter