Font Size
Mga Bilang 29:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Bilang 29:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Handog sa Pista ng mga Tolda(A)
12 “Sa(B) ika-15 araw ng ikapitong buwan, magdaraos din kayo ng banal na pagpupulong. Huwag kayong magtatrabaho sa araw na iyon at pitong araw kayong magpipista bilang parangal kay Yahweh. 13 Kayo'y magdala ng handog na susunugin; handog na mabangong samyo para kay Yahweh. Sa unang araw, ihahandog ninyo ang labingtatlong batang toro, dalawang lalaking tupa at labing-apat na tupang tig-iisang taóng gulang at walang kapintasan. 14 Sasamahan din ninyo ito ng handog na pagkaing butil: isa't kalahating salop ng harina na minasa sa langis para sa bawat toro, isang salop para sa bawat lalaking tupa
Read full chapter