Font Size
Mga Bilang 29:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Bilang 29:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
8 Sa halip, mag-alay kayo ng handog na susunugin; handog na mabangong samyo para kay Yahweh. Ihandog ninyo ang isang batang toro, isang lalaking tupa at pitong tig-iisang taóng tupa na pawang walang kapintasan. 9 Sasamahan ninyo ito ng handog na pagkaing butil: isa't kalahating salop ng harina na minasa sa langis para sa toro, isang salop naman para sa tupang lalaki 10 at kalahating salop naman para sa bawat tupa.
Read full chapter