Font Size
Mga Bilang 31:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Bilang 31:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7 Tulad ng utos ni Yahweh kay Moises, nilusob nila ang mga Midianita at pinatay ang lahat ng lalaki 8 kasama ang limang hari ng Midian na sina Evi, Requem, Zur, Hur at Reba, pati si Balaam na anak ni Beor.
9 Binihag nila ang mga babae at ang mga bata, at sinamsam ang kanilang mga baka, mga kawan at lahat ng ari-arian.
Read full chapter