Add parallel Print Page Options

13 At ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa Israel, (A)at kaniyang pinagala sila sa ilang, na apat na pung taon hanggang sa ang buong lahing yaon na (B)gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, ay nalipol.

14 At, narito, kayo'y nagsipagtindig na kahalili ng inyong mga magulang, supling ng mga taong makasalanan, upang dagdagan pa ninyo ang mabangis na galit ng Panginoon sa Israel.

15 (C)Sapagka't kung kayo'y lumihis ng pagsunod sa kaniya ay kaniyang iiwang muli sila sa ilang; at inyong lilipulin ang buong bayang ito.

Read full chapter