Add parallel Print Page Options

(A)At sila'y naglakbay mula sa Etham, at lumiko sa Pi-hahiroth, na nasa tapat ng Baal-sephon: at humantong sa tapat ng Migdol.

At sila'y naglakbay mula sa tapat ng Hahiroth, at (B)nagsipagdaan sa gitna ng dagat hanggang sa ilang: at sila'y naglakbay na tatlong araw sa ilang ng Etham at humantong sa Mara.

At sila'y naglakbay mula sa Mara, at dumating sa (C)Elim: at sa Elim ay may labing dalawang bukal ng tubig at pitong pung puno ng palma; at sila'y humantong doon.

Read full chapter