Add parallel Print Page Options

At ang mga bayan na inyong ibibigay sa mga Levita ay ang (A)anim na bayan na ampunan, na siya ninyong ibibigay na matatakasan ng nakamatay ng tao: at bukod sa rito ay magbibigay kayo ng apat na pu't dalawang bayan.

Lahat ng mga bayan na inyong ibibigay sa mga Levita ay (B)apat na pu't walong bayan: inyong ibibigay sangpu ng kanilang mga pastulan.

At tungkol sa mga bayan na (C)pagaari ng mga anak ni Israel na inyong ibibigay ay kukuha kayo ng (D)marami sa marami; at sa kaunti ay kukuha kayo ng kaunti: bawa't isa ayon sa kaniyang mana na kaniyang minamana ay magbibigay sa kaniyang mga bayan sa mga Levita.

Read full chapter