Font Size
Mga Bilang 36:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Bilang 36:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Dahil dito, sinabi ni Moises sa mga Israelita, “Tama ang sinabi ng mga apo ni Jose. 6 Kaya't ang utos ni Yahweh tungkol sa mga anak ni Zelofehad ay malaya silang mag-asawa sa sinumang gusto nila, ngunit huwag lamang lalabas sa lipi ng kanilang ama. 7 Ang bahagi ng alinmang lipi ay hindi maaaring ilipat sa ibang lipi, iyon ay pananatilihin sa lipi ng kanilang ama.
Read full chapter