Mga Bilang 5:25-27
Ang Biblia (1978)
25 At kukunin ng saserdote sa kamay ng babae ang handog na harina tungkol sa paninibugho at kaniyang (A)aalugin ang handog na harina sa harap ng Panginoon, at dadalhin sa dambana:
26 (B)At ang saserdote ay kukuha ng isang dakot ng handog na harina na pinakaalaala niyaon at susunugin sa ibabaw ng dambana, at pagkatapos ay ipaiinom sa babae ang tubig.
27 At pagka napainom na siya ng tubig, ay mangyayari na kung siya'y nadumhan, at siya'y sumalangsang sa kaniyang asawa, na ang tubig na nagbubugso ng sumpa ay tatalab sa kaniya at magiging mapait, at ang kaniyang katawan ay mamamaga at ang kaniyang hita ay manglulumo: (C)at ang babae ay magiging sumpa sa gitna ng kaniyang bayan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978