Font Size
Mga Bilang 6:15-17
Ang Biblia (1978)
Mga Bilang 6:15-17
Ang Biblia (1978)
15 At isang bakol na tinapay na walang lebadura, mga (A)munting tinapay ng mainam na harina na (B)hinaluan ng langis at mga manipis na tinapay na walang lebadura na pinahiran ng langis, at ang handog na harina niyaon at ang mga (C)handog na inumin niyaon.
16 At ihaharap ng saserdote yaon sa harapan ng Panginoon, at ihahandog ang kaniyang handog dahil sa kasalanan at ang kaniyang (D)handog na susunugin:
17 At kaniyang ihahandog sa Panginoon ang tupang lalake na pinakahain na handog tungkol sa kapayapaan na kalakip ng bakol ng mga (E)tinapay na walang lebadura: ihahandog din ng saserdote ang handog na harina niyaon at ang handog na inumin niyaon.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978