Mga Bilang 6:17-19
Ang Biblia (1978)
17 At kaniyang ihahandog sa Panginoon ang tupang lalake na pinakahain na handog tungkol sa kapayapaan na kalakip ng bakol ng mga (A)tinapay na walang lebadura: ihahandog din ng saserdote ang handog na harina niyaon at ang handog na inumin niyaon.
18 (B)At ang Nazareo ay magaahit ng ulo sa kaniyang pagkatalaga sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan at kaniyang dadamputin ang buhok ng ulo ng kaniyang pagkatalaga at ilalagay sa ibabaw ng apoy na nasa ilalim ng hain na handog tungkol sa kapayapaan.
19 At kukunin ng saserdote ang lutong (C)balikat ng tupa, at isang munting tinapay na walang lebadura sa bakol, at isang manipis na tinapay na walang lebadura, at (D)ilalagay sa mga kamay ng Nazareo, pagkatapos na makapagahit ng ulo ng kaniyang pagkatalaga:
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978