Add parallel Print Page Options

88 At lahat ng mga baka na pinaka–hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang pu't apat na toro, ang mga tupang lalake ay anim na pu, ang mga kambing na lalake ay anim na pu, ang mga korderong lalake ng unang taon ay anim na pu. Ito ang (A)pagtatalaga sa dambana pagkatapos na mapahiran ng (B)langis.

89 At nang si Moises ay pumasok sa tabernakulo ng kapisanan, (C)upang makipagsalitaan sa kaniya, ay (D)narinig nga niya ang tinig na nagsasalita sa kaniya, mula sa itaas ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo, na nasa gitna ng dalawang querubin: at siya'y nagsalita sa kaniya.

Read full chapter