Font Size
Mga Gawa 10:3-5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 10:3-5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
3 Minsan, nang mag-iikatlo ng hapon,[a] nagkaroon siya ng pangitain. Kitang-kita niyang dumarating ang isang anghel ng Diyos at tinawag siya, “Cornelio.” 4 Natatakot siyang tumingin sa kanya at nagtanong, “Ano po iyon, panginoon?” Sumagot ito sa kanya, “Nakaabot sa pansin ng Diyos ang iyong mga panalangin at ang pagtulong mo sa mga dukha. 5 Ngayon di'y magsugo ka ng mga tao sa Joppa, at ipatawag mo ang isang taong nagngangalang Simon na tinatawag ding Pedro.
Read full chapterFootnotes
- Mga Gawa 10:3 Sa Griyego, ikasiyam na oras.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.