Font Size
Mga Gawa 10:30-32
Ang Biblia, 2001
Mga Gawa 10:30-32
Ang Biblia, 2001
30 Sinabi ni Cornelio, “Apat na araw na ang nakakaraan, mga ganitong oras, nang ikasiyam na oras,[a] ako'y nananalangin sa aking bahay nang biglang tumindig sa harapan ko ang isang lalaki na may nagniningning na damit.
31 Sinabi niya, ‘Cornelio, dininig ang dalangin mo, at ang iyong mga limos ay inalala sa harapan ng Diyos.
32 Magsugo ka sa Joppa, at ipatawag mo si Simon, na tinatawag na Pedro. Siya'y nanunuluyan sa bahay ni Simon na tagapagluto ng balat sa tabi ng dagat.’
Read full chapterFootnotes
- Mga Gawa 10:30 o ikatlo ng hapon sa makabagong pagbilang ng oras .