Font Size
Mga Gawa 10:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Gawa 10:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
9 Kinabukasan,(A) samantalang naglalakbay at malapit na sa Joppa ang mga inutusan ni Cornelio, si Pedro nama'y umakyat sa bubungan[a] upang manalangin. Bandang tanghali na noon. 10 Siya'y nagutom at gusto na niyang kumain. Ngunit habang naghihintay siyang maihanda ang pagkain, nagkaroon siya ng isang pangitain. 11 Nabuksan ang langit at nakita niyang ibinababâ sa lupa ang isang parang malaking kumot na nakabitin sa apat na sulok.
Read full chapterFootnotes
- 9 BUBUNGAN: Ang bubungan ng mga bahay ng panahong iyon ay kadalasang patag.