Add parallel Print Page Options

17 Kung ibinigay sa kanila ng Diyos ang kaloob gaya ng kanyang ibinigay sa atin nang tayo'y sumampalataya sa Panginoong Jesu-Cristo, sino akong hahadlang sa Diyos?” 18 Nang marinig nila ang mga ito, tumahimik sila at niluwalhati ang Diyos, na sinasabi, “Kung gayo'y binigyan din ng Diyos ang mga Hentil ng pagkakataong magsisi upang magkamit ng buhay.”

Ang Iglesya sa Antioquia

19 Samantala, (A) nagkawatak-watak ang mga mananampalataya dahil sa pag-uusig na nangyari kay Esteban. Naglakbay sila hanggang sa Fenicia, sa Cyprus, at sa Antioquia. Sa mga Judio lamang nila ipinangangaral ang salita saanman sila makarating.

Read full chapter