Add parallel Print Page Options

Kaya isinalaysay sa kanila ni Pedro ang buong pangyayari. Sinabi niya, “Habang ako'y nasa lungsod ng Joppa at nananalangin, nawalan ako ng malay at nagkaroon ng isang pangitain. Nakita ko ang isang tulad ng malapad na kumot na nakabitin sa apat na sulok at ibinababa mula sa langit hanggang sa aking kinaroroonan. Tinitigan ko itong mabuti at nakita ko roon ang mga hayop na lumalakad sa lupa at mga hayop na mababangis at mga hayop na gumagapang at mga ibon sa himpapawid.

Read full chapter