Add parallel Print Page Options

Tinitigan ko itong mabuti at nakita ko roon ang mga hayop na lumalakad sa lupa at mga hayop na mababangis at mga hayop na gumagapang at mga ibon sa himpapawid. Nakarinig din ako ng isang tinig na nagsasabi sa akin, ‘Tumindig ka, Pedro; magkatay ka at kumain.’ Subalit sinabi ko, ‘Hindi ko magagawa iyan, Panginoon. Sapagkat kailanma'y hindi ako kumain ng anumang bagay na marumi at karumal-dumal.’

Read full chapter