Add parallel Print Page Options

Habang nasa bilangguan si Pedro, nagkaroon ng taimtim na pananalangin sa Diyos ang iglesya para sa kanya.

Ang Pagpapalaya ng Anghel kay Pedro

Nang gabing si Pedro ay malapit nang iharap ni Herodes sa mga tao, natutulog si Pedro na nakatanikala sa pagitan ng dalawang kawal. Mayroon pang mga bantay sa harap ng pintuan, nang biglang lumitaw ang isang anghel ng Panginoon at isang liwanag ang tumanglaw sa kulungan. Tinapik niya si Pedro sa tagiliran at ginising. “Bumangon ka! Bilis!” sabi ng anghel. At nakalag ang mga tanikala sa kanyang mga kamay.

Read full chapter