Font Size
Mga Gawa 13:16-18
Magandang Balita Biblia
Mga Gawa 13:16-18
Magandang Balita Biblia
16 Kaya't tumayo si Pablo at sinenyasan silang tumahimik,
“Mga Israelita, at kayong lahat na may takot sa Diyos, makinig kayo! 17 Ang(A) Diyos ng ating bansang Israel ang pumili sa ating mga ninuno. Sila'y ginawa niyang isang malaking bansa habang naninirahan pa sila sa lupain ng Egipto, at sila'y inilabas niya doon sa pamamagitan ng kanyang dakilang kapangyarihan. 18 Sa(B) loob ng apatnapung taon, sila ay pinagtiisan[a] niya sa ilang.
Read full chapterFootnotes
- Mga Gawa 13:18 pinagtiisan: Sa ibang matatandang manuskrito'y inalagaan .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.