Add parallel Print Page Options

20 sa (A) loob ng halos apatnaraan at limampung taon. Pagkatapos, sila ay binigyan niya ng mga hukom hanggang sa panahon ni propeta Samuel. 21 (B) Matapos nito'y humingi sila ng hari at ibinigay sa kanila ng Diyos ang isang lalaki mula sa lipi ni Benjamin, si Saul na anak ni Kish. Siya'y naghari sa loob ng apatnapung taon. 22 (C) Matapos alisin ng Diyos si Saul, si David naman ang pinili ng Diyos upang maghari sa kanila. Nagpatotoo ang Diyos tungkol sa kanya, na nagsasabing, ‘Natagpuan kong si David na anak ni Jesse ay isang lalaking malapit sa aking puso. Gagawin niya ang aking buong kalooban.’

Read full chapter