Add parallel Print Page Options

24 Bago (A) pa siya dumating ay nangaral na si Juan ng bautismo ng pagsisisi sa buong bayan ng Israel. 25 At (B) samantalang tinatapos ni Juan ang kanyang gawain, sinabi niya sa mga tao, ‘Sino ba ako sa inyong akala? Hindi ako ang Cristo. Ngunit masdan ninyo ang dumarating na kasunod ko. Hindi ako karapat-dapat kahit magkalag man lamang ng kanyang sandalyas.’

26 “Mga kapatid, mga anak ni Abraham, at sa inyong may takot sa Diyos, sa atin ipinadala ang salitang ito ng kaligtasan.

Read full chapter