Add parallel Print Page Options

At nangagkatipon ang mga apostol at ang mga matanda upang pagusapan ang bagay na ito.

At pagkatapos ng maraming pagtatalo, ay nagtindig si Pedro, at sinabi sa kanila,

(A)Mga kapatid, nalalaman ninyo na nang unang panahong nakaraan ay humirang ang Dios sa inyo, upang sa pamamagitan ng aking bibig ay mapakinggan ng mga Gentil ang salita ng Evangelio, at sila'y magsisampalataya.

At ang Dios, na nakatataho ng puso, ay nagpatotoo (B)sa kanila, (C)na sa kanila'y ibinigay ang Espiritu Santo, na gaya naman ng kaniyang ginawa sa atin;

Read full chapter