Add parallel Print Page Options

At pagkatapos ng maraming pagtatalo, ay nagtindig si Pedro, at sinabi sa kanila,

(A)Mga kapatid, nalalaman ninyo na nang unang panahong nakaraan ay humirang ang Dios sa inyo, upang sa pamamagitan ng aking bibig ay mapakinggan ng mga Gentil ang salita ng Evangelio, at sila'y magsisampalataya.

At ang Dios, na nakatataho ng puso, ay nagpatotoo (B)sa kanila, (C)na sa kanila'y ibinigay ang Espiritu Santo, na gaya naman ng kaniyang ginawa sa atin;

(D)At tayo'y hindi niya itinangi sa kanila, na nilinis sa pamamagitan ng pananampalataya ang kanilang mga puso.

Read full chapter