Font Size
Mga Gawa 17:16-18
Magandang Balita Biblia
Mga Gawa 17:16-18
Magandang Balita Biblia
Sa Atenas
16 Habang sina Silas at Timoteo'y hinihintay ni Pablo sa Atenas, napansin niyang puno ng mga diyus-diyosan ang lungsod kaya't nabagabag ang kanyang espiritu. 17 Kaya't nakipagpaliwanagan siya sa loob ng mga sinagoga roon, sa mga Judio at sa mga Hentil na sumasamba sa Diyos, at sa sinumang makatagpo niya sa liwasang-bayan araw-araw. 18 Nakipagtalo rin sa kanya ang ilang mga pilosopong Griego na mga Epicureo at Estoico. “Ano ba ang sinasabi sa atin ng nagmamarunong na iyan?” sabi ng ilan. Sabi naman ng iba, “Nangangaral yata tungkol sa ibang mga diyos.” Sinabi nila iyon dahil nangaral si Pablo tungkol kay Jesus at sa muling pagkabuhay.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.