Font Size
Mga Gawa 17:6-8
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 17:6-8
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
6 Nang hindi nila natagpuan ang dalawa, kinaladkad nila si Jason at ang ilang kapatid sa harap ng mga pinuno ng lungsod, habang sumisigaw ng ganito, “Napasok ang ating lungsod ng mga taong lumikha ng gulo saan man makarating![a] 7 Pinatuloy sila ni Jason sa kanyang tahanan. Lahat sila ay lumalabag sa mga utos ng Emperador, at sinasabi nilang may ibang hari na ang pangalan ay Jesus!” 8 Naligalig ang maraming tao at ang mga pinuno ng lungsod nang marinig nila ang sigawang ito.
Read full chapterFootnotes
- Mga Gawa 17:6 lumilikha ng gulo...makarating. Sa Griyego binabaligtad ang mundo.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.