Font Size
Mga Gawa 17:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Gawa 17:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
6 Nang hindi nila matagpuan ang dalawa, kinaladkad nila si Jason at ilan sa mga kapatid at iniharap sa mga pinuno ng lungsod. Ganito ang kanilang sigaw: “Ang ating lungsod ay napasok ng mga taong nanggugulo kahit saan makarating, 7 at sila'y pinatuloy ni Jason. Nilalabag nilang lahat ang mga batas ng Emperador. Sinasabi nilang may iba pang hari na ang pangala'y Jesus.” 8 Kaya't nagulo ang taong-bayan at ang mga pinuno ng lungsod dahil sa sigawang ito.
Read full chapter