Add parallel Print Page Options

Ang Pagbabalik sa Antioquia

18 Pagkatapos(A) nito, matagal pang nanatili si Pablo sa Corinto at saka nagpaalam sa mga kapatid. Pagdating sa Cencrea, nagpagupit siya ng buhok sapagkat natupad na niya ang kanyang panata.[a] Sumakay siya sa barkong papuntang Siria, kasama ang mag-asawang Priscila at Aquila. 19 Pagdating sa Efeso, iniwan ni Pablo ang dalawa, at siya'y pumasok sa sinagoga ng mga Judio at nakipagpaliwanagan sa mga naroon. 20 Hiniling nilang tumigil siya roon nang mahaba-habang panahon, ngunit siya'y tumanggi.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Gawa 18:18 PANATA: Tinutukoy dito ang kaugaliang Judio ng pagpapagupit ng buhok bilang tanda na natupad na ang isang panata.