Add parallel Print Page Options

26 At siya'y nagpasimulang magsalita ng buong tapang sa sinagoga. Datapuwa't nang siya'y marinig ni Priscila at ni (A)Aquila, ay kanilang isinama siya, at isinaysay sa kaniya (B)ang daan ng Panginoon ng lalong maingat.

27 At nang ibig niyang lumipat sa (C)Acaya, ay pinalakas ng mga kapatid ang kaniyang loob at sila'y nagsisulat sa mga alagad na siya'y tanggapin: at nang siya'y dumating doon, (D)ay lubos na tumulong siya sa mga nagsisampalataya sa pamamagitan ng biyaya;

28 Sapagka't may kapangyarihang dinaig niya ang mga (E)Judio, at hayag, na ipinakilala sa pamamagitan ng mga kasulatan na si Jesus ay ang Cristo.

Read full chapter