Font Size
Mga Gawa 19:18-20
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Gawa 19:18-20
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
18 Marami sa mga sumampalataya ang dumating at nagpahayag ng mga dati nilang gawain. 19 Marami sa mga dating gumagamit ng mahika ang nagtipon ng kanilang mga aklat at sinunog ang mga ito sa harap ng madla. Sa kabuuan, ang halaga ng mga ito ay umabot sa limampung libong salaping pilak. 20 Sa ganitong makapangyarihang paraan ay lumaganap at nagtagumpay ang salita ng Panginoon.
Read full chapter